Mensahe ng Butil ng Kape
The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
Repleksyon
Sa ating mundong ginagalawan may tatlong klase na katangian ng tao kung paano haharapin ang mga pagsubok. Tulad sa kwento ang carrot ay sa una lang matigas pero pagkatapos pakuluan ay naging malambot, kung ihahambing natin sa reylidad ilan sa ating kapwa ay tinatawag na "Lingas-kugon" sa una lang magaling o malakas ngunit sa pagdating ng mga pagsubok at sakuna ay nagiging mahina. Pangalawang klase ay tulad ng itlog na pinakuluan sa tubig iba sa ating kapwa natin ay nagiging matigas ang puso dahil sa mga kapwa na umabaso sa kabaitan at sa mga hamon sa kanyang buhay. Ang huling klase ng katangian ng tao ay tulad ng kape na maging matatag sa hamon ng buhay upang maging matagumpay sa buhay at maging inspirasyon sa kapwa nito. Sa bawat pagsubok sa ating buhay kailangan nating magtiwala sa ating sarili lalo na sa ating mahal na Diyos. At sa bawat pagsubok sa ating buhay, ito ang nagiging dahilan kung bakit tayo nagiging matatag at ito ang humuhubog sa atin upang maging mabuti at matatag subukin man panahon.