Mensahe ng Butil ng Kape
The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
Buod
Isang araw may mag-ama na nagsasak sa bukid. Narinig ng ama ang kanyang anak na nagrereklamo at naghihimutok sa hirap at buhay at pagsubok. Tinawag ng ama ang kanyang anak at tahimik silang umuwi. Pagdating sa bahay nagsalang agad ang ama ng tatlong palayok na may tubig at hinintay itong kumulo. Pagkatapos kumulo mg tubig ay nilagyan niya ng magkaka-ibang bagay. Sa unang palayok inilagay niya ang karot, itlog sa pangalawag palayok at butil ng kape sa pangatlong palayok. At itinanung ng ama sa kanyang anak kung ano ang mangyayari sa tatlong bagay na inilagay sa palayok, at sa sagot ng kanyang anak ay simpleng MALULUTO. Pagkalipas ng 20 minuto inalis ng ama ang baga at pinalapit niya ang kanyang anak. At isa-isa itong sinuri. Nabatid ng anak na ang karot sa unang palayok na dating matigas at waring hindi matitinag ay naging malambot, ang itlog na noong una ay may maputing balat na nagpoprotekta sa likido sa loob ay naging matigas at ang mga butil ng kape ay humalo at nagbigay kulay sa tubig. Ipinaliwanag ng ama kung ano ang ibig ipakahulugan ng mga ito sa buhay ng tao. Aniya, ang kumukulong tubig ay nagpapahiwatig ng mga pagsubok sa buhay. Ipnaliwanag niya sa anak na ang tatlong bagay ay maihahalintulad sa ugali ng tao sa panahon ng mga pagsubok. Ang karot ay nagpapahayag ng kahinaan matapos ang mga pagsubok, ang itlog ay sumasalamin sa mga taong naging matigas ang damdamin dahil sa mga hamon sa buhay at ang kape ay ang mga taong naging matibay sa oras ng pagsubok at syang naging dahilan sa pagbabago sa kanyang kapaligiran. Pinapili ng ama kung alin ang kanyang anak sa tatlo at pinili ng anak ang butil ng kape at sinabing ito ay tulad ng kanyang ama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento